Pagbili ng sariling bakuna ng mga LGU’s makakabawas sa gastos ng National Government sa anti COVID- 19 vaccine – Malakanyang
Malaking tulong sa national government ang gagawing pagbili ng sariling anti COVID 19 vaccine ng mga Local Government Units o LGU’S.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque kung bibili ng sariiling bakuna ang mga LGU’S babawasan ng National government ang pondong uutangin na ipambibili ng anti COVID 19 vaccine.
Ayon kay Roque kabuuang 72.5 bilyong pisong pondo ang inilalaan ng national government para ipambili ng anti COVID 19 vaccine para sa 70 milyong mga pilipino.
Inihayag ni Roque 60 bilyong piso ang uutangin sa International financial institution na kinabibilangan ng World Bank at Asian Development Bank dahil ang hawak lamang na pondo ng pamahalaan ay 12.5 bilyong piso na hinugot sa Bayanihan 2 at 2021 National budget.
Tiniyak ni Roque na tutulong ang National government sa mga LGU’S para mapabilis ang negosasyon sa kanilang planong pagbili ng sariling anti COVID 19 vaccine na gagamitin sa kanilang mga nasasakupan.
Vic Somintac