Mga residente sa Maynila na nais magpabakuna kontra COVID-19, halos nasa 60,000 na

Umabot na sa 59,915 residente ng Maynila ang lumagda at nagpahayag ng interes na nais nilang makatanggap ng COVID-19 vaccine.

Ang mga residente na lumagda sa pre registration para sa COVID-19 vaccine ang syang magiging prayoridad ng lokal na pamahalaan sa oras na magkaroon na ng bakuna.

Ang mga nais magparehistro ay maaaring magtungo sa website na www.manilacovid19vaccine.com.

Pagbukas ng website ay mayroong video na magtuturo kung paano magparehistro o maaari namang i-click na lamang sng register o reserve para makita ang application form.

Kaugnay nito, tiniyak ni Manila Mayor Isko Moreno na susunod sila sa mga regulasyon ng Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.

Ayon kay Mayor Isko ang bibilhing bakuna ng Manila LGU ay iyon lamang ligtas at nabigyan ng Emergency Use Authorization ng Food and Drug Administration.

Una ng naglaan ang Manila LGU ng 250 milyong piso para sa pagbili ng bakuna.

Ayon kay Mayor Isko maaari pa itong tumaas ng hanggang sa isang bilyong piso kung kailangan.

200,000 Manileño aniya ang inisyal na target nila na mabigyan ng bakuna.

Madz Moratillo

Please follow and like us: