Problema ng bansa sa Covid-19 Pandemic, dapat munang harapin kaysa sa planong Charter Change
Pagsasayang lang umano ng resources at pondo ang planong Charter Change kahit pa limitahan sa Economic Provisions.
Ito ang iginiit ni Senate minority leader Franklin Drilon sa hakbang ng Kamara na buksan muli ang debate sa Charter Change.
Ayon sa Senador sa halip na mag-focus sa Chacha, dapat i-address muna ng Gobyerno ang problema sa Pandemya na nagresulta ng pagkawala ng maraming trabaho at mataas na presyo ng mga bilihin.
Katunayan sa report aniya ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa inflation noong Disyembre, pumalo na ito sa 3.5 percent habang umabot sa 3.8 milyong Filipino ang walang trabaho.
Iginiit ng Senador na hindi tamang isulong ng gobyerno ang Chacha sa nalalabing termino ng Pangulo.
Tiniyak ng Senador na haharangin ng oposisyon ang anumang pagtatangka na matalakay ang Chacha sa Senado at mamamatay ang panukala pag-akyat sa Mataas na Kapulungan.
Meanne Corvera