76ers, napaulat na naka-quarantine matapos magpositibo ang isang player
LOS ANGELES, United States (AFP) – Nagpositibo sa COVID-19 ang Philadelphia 76ers guard na si Seth Curry.
Ayon sa report, namalagi ng magdamag sa New York ang 76ers, at nitong Biyernes ng umaga ay sinimulan na ang contact tracing at ang pagsasagawa ng panibagong testing.
Si Seth na kapatid ng Golden State Warriors star na si Stephen Curry, ay nakaranas ng sore left ankle sa kanilang laro laban sa Nets, kung saan natalo sila.
Si Curry ay namalagi sa 76ers bench sa unang quarter ng game, bago umalis sa Barclays Center arena nang hindi kasama ang iba pang team members.
Nakapaglaro rin ito noong Miyerkoles para sa 76ers kung saan nakaiskor siya ng 28 points sa 141-136 victory nila laban sa Washington Wizards na ginanap sa Philadelphia.
Ang susunod na schedule ng laro ng 76ers ay Sabado, kung saan makakalaban nila ang Nuggets.
Nitong Huwebes ay inanunsyo ng NBA at ng players’ union, na 498 players na ang sumailalim sa COVID-19 test mula noong December 30, kung saan apat ang nagpositibo.
Mula nang magbukas ang 2020-21 campaign noong December 22, nagpatupad na ang liga ng mahigpit na protocols na nag-aatas hindi lamang sa mga nagpositibo kundi maging sa mga may inconclusive tests na mag-quarantine, kasama ng sinumang manlalaro na dumaan sa contact tracing na hinihinalang na-expose sa virus.
Ang laro sa pagitan ng Houston Rockets at Oklahoma City Thunder noong December 23 ay na-postpone, matapos na magkaroon ng positive o inconclusive test result ang tatlong manlalaro.
Dahil ang ibang players ay na-quarantine dahil sa posibleng exposure o paglabag sa panuntunan ng liga tungkol sa pagdalo sa indoorgatherings, hindi na umabot sa walo na siyang minimum number of players ang Rockets.
© Agence France-Presse