Foreign diplomats, mga kinatawan ng international organizations, exempted sa ipinatutupad na restriksyon sa foreign travelers mula sa 27 mga bansa
Hindi kasama ang foreign diplomats at representatives ng international organizations, sa ipinatupad na travel restrictions sa foreign travelers mula sa 27 mga bansang isinailalim sa travel restrictions, kasunod ng mga ulat ng COVID-19 virus strain na unang na-monitor sa United Kingdom
Hindi kasama ang foreign diplomats at representatives ng international organizations, sa ipinatupad na travel restrictions sa foreign travelers mula sa 27 mga bansang isinailalim sa travel restrictions, kasunod ng mga ulat ng COVID-19 virus strain na unang na-monitor sa United Kingdom.
Sinabi ni Candy Tan, hepe ng Port Operations Division ng Bureau of Immigration, na ang mga may valid 9(e) visas ay maaaring payagang makapasok ng bansa kahit walang exemption o authorization mula sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Subalit ang mga magpapakita ng diplomatic, official, o regular passport na walang valid 9(e) visa ay maaaring papasukin kung sila ay mayroong valid 9(a) visa at authorization mula sa DFA.
Ayon kay Tan, bukod sa mga nabanggit, ang mga darating na may medical at emergency cases, kasama ang kanilang medical escorts ay papayagan ding makapasok sa bansa kung sila ay mayroong entry visa.
Ang paglilinaw ay ginawa ng opisyal matapos magkabisa ngayong araw ang restriskyon sa anim na dagdag na mga bansa, ang Portugal, India, Finland, Norway, Jordan, at Brazil.
Ang anim na nabanggit na mga bansa ay karagdagan sa 21 iba pang mga bansa, na una nang isinailalim sa travel restrictions.
Ang 21 mga bansa ay kinabibilangan ng:
- Denmark
- Ireland
- Japan
- Australia
- Israel
- The Netherlands
- Hong Kong
- Switzerland
- France
- Germany
- Iceland
- Italy
- Lebanon
- Singapore
- Sweden
- South Korea
- South Africa
- Canada
- Spain
- United States
- United Kingdom
Ang ban sa mga naturang bansa ay epektibo hanggang January 15.
Sinabi ng Department of Health na hanggang noong January 2, ang B.1.1.7 variant na unang na-detect sa United Kingdom, at sinasabing 70 porsyentong higit na nakahahawa ay hindi pa nade-detect sa Pilipinas.
Liza Flores