NBI, iimbestigahan na rin ang pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera
Papasok na rin ang National Bureau of Investigation (NBI) sa imbestigasyon sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.
Sa Department order na may lagda ni Justice Secretary Menardo Guevarra, inatasan nito ang National Bureau of Investigatiion (NBI) na imbestigahan ang pagkamatay ni Dacera na pumanaw noong Bagong Taon.
Ipinag-utos din ng kalihim sa NBI na kung may ebidensya ay magsampa ng kaukulang reklamo laban sa mga taon responsable sa pagkamatay ng 23-anyos.
Pinagsusumite rin ng DOJ ang NBI ng report sa itinatakbo ng imbestigasyon sa loob ng 10 araw.
Si Dacera ay natagpuang walang malay sa bathtub ng isang hotel room sa Makati City noong Bagong Taon.
Isinugod ito sa ospital pero idineklarang dead-on-arrival.
Una nang tumulong ang NBI Forensic Medicine Team sa imbestigasyon ng PNP sa pagpanaw ni Dacera.
Sa Enero 13 isasagawa ng piskalya ng Makati City ang preliminary investigation sa reklamong rape with homicide laban sa 11 suspek na isinampa ng pulisya.
Moira Encina