Senador Pacquiao, hindi babawiin ang pabuya para sa makapagbibigay ng impormasyon sa pagkamaty ni Christine Dacera
Hindi babawiin ni Senador Manny Pacquaio ang inialok na 500,000 pisong pabuya sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa pagkamatay ng kaniyang kababayang flight attendant na si Christine Dacera.
Sa harap ito ng pakiusap ng mga suspek na bawiin na ang pabuya dahil nakikipagtulungan na sila sa imbestigasyon at may nakahain nang kaso sa Korte.
Ayon sa mga suspek matapos ang alok na pabuya marami na raw ang sumusunod at kumukuha ng video sa kanila kaya apektado rin ang kanilang seguridad.
Pero sagot ni Pacquaio, hindi pa nareresolba ang kaso ni Dacera ay may mga suspek pa ring patuloy na nakakalaya.
Maaari niya raw itong i-convert bilang financial aid sa pamilya ni Dacera kung lahat ng suspek ay sumuko na sa mga otoridad.
Umapila rin si Pacquiao sa mga sangkot sa kaso na lumantad na kung talagang walang kasalanan para mabigyan ng hustisya ang biktima.
Handa naman aniya isyang tumulong sa mga suspek kung talagang wala silang kasalanan pero kailangan nilang makipagtulungan sa mga otoridad.
Statement Sen. Pacquiao:
“Muli akong nakikiusap sa ibang pang mga nasasangkot sa kaso ng pagkamatay ng aking kababayang si Christine Dacera na kusang iharap ang kanilang sarili sa Philippine National Police (PNP) o alin man sa ating mga law enforcement agencies na gaya ng National Bureau of Investigation (NBI). Ito ay upang mabigyan ng kaliwanagan ang mga pangyayari at mahanap natin ang katotohanan.
Kaugnay nito ay mananatili ang aking itinakdang pabuya na nagkakahalaga ng P500,000 upang matunton ang iba pang mga sangkot sa kasong ito. Let it be clear however that this bounty was put up only to ensure that all the people who were present on the night leading to the discovery of Christine’s lifeless body would come forward and shed light about this incident. They must submit themselves to investigating authorities so that we will know what really happened.
This bounty will be converted as financial aid to the family of Christine, if and when all the persons of interest have voluntarily surrendered and not arrested, and have submitted themselves to investigating authorities.
Kung tunay niyong kaibigan at kayo ay may malasakit kay Christine at sa kanyang nagluluksang pamilya at mga mahal sa buhay, nakikiusap ako na bigyan ninyo ng halaga ang inyong pagkakaibigan sa pamamagitan ng paglalantad sa mga totoong nangyari kaugnay sa kanyang kaso.
Nakahanda po akong tumulong upang matiyak ang inyong kaligtasan dahil ako ay naniniwala na gaya ninyo at ng pamilya ni Christine, ang tangi nating hangad ay ang malaman ang tunay na katotohanan. We all want to know the truth.
Three of your friends– John Pascual dela Serna III, Rommel Daluro Galido, John Paul Reyes Halili—have all surrendered themselves to tell their story about what had happened. By doing so, they were not only able to help investigators piece together the events that transpired but they have also shown that they have nothing to hide. Like them, be brave enough to share the truth. Share your story so that we may understand. Sabihin ninyo sa tunay na nangyari upang mabawasan na ang mga haka-haka tungkol sa kasong ito.
Wala pong dahilan upang kayo ay matakot kung kakampi ninyo ang katotohanan”.
Meanne Corvera