Mahigit 400,000 OFW, nabenepisyuhan ng Hatid-Tulong program ng gobyerno
Mahigit 400,000 mga Filipino sa ibang bansa ang natulungang makauwi na ng kanilang mga lalawigan sa ilalim ng Hatid-Tulong program ng gobyerno.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), umabot sa 401,322 mga OFWs ang nakabenepisyo sa nasabing programa at napauwi na sa kanilang mga hometown hanggang noong January 8.
Sa nasabing bilang, 23,452 ang ibiniyahe by land, 209,185 ang ibiniyahe by air at 68,685 ang ibiniyahe sa karagatan.
Ito ay mula May 25, 2020 hanggang January 8, 2021.
Ang Hatid-Tulong program ay pinagsamang inisyatiba ng Office of the President, National Task Force Covid-19, Department of Labor and Employment (DOLE), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), at ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
Kasama rin ang Philippine Coast Guard (PCG), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ng Department of Tourism (DOT).