Ilang LGU sa Metro Manila, lumagda na sa kontrata para makabili ng bakuna laban sa COVID- 19
Lumagda na sa kasunduan sa kumpanyang Astrazeneca Pharmaceuticals Philippine ang ilang lokal na pamahalaan para sa pagbili ng bakuna laban sa COVID-19.
Kabilang rito ang Valenzuela at Caloocan City.
Sinabi ni Valenzuela Mayor Rex Gatchalian, aabot sa 640,000 ang bibilhin nilang bakuna na nagkakahalaga ng 150 milyong piso.
Mayroon na rin aniya silang roll-out plan kung saan target nilang unang mabakunahan ang 320,000 na mga residente o kautmbas ng 70% ng kanilang populasyon.
Pero hindi muna kasama sa una nilang maibbigyan ng bakuna ang mga 18-anyos pababa.
Inaasahan aniyang darating ang bakuna sa kalagitnaan ng 2021.
Sa Caloocan city, lumagda na rin sa Mayor Oscar Malapitan sa kontrata para sa advance purchase ng Covid vaccine na aabot sa 600,000.
Ayon kay Malapitan, ito ay iniuugnay nila sa Inter-Agency Task Force at Food and Drug Administration (FDA) para matiyak na ang mabibili nilang bakuna ay aprubado ng mga eksperto.
Meanne Corvera