Senado, magko-convene bilang Committee of the Whole para imbestigahan ang Covid vaccine plan ng Gobyerno
Magko-convene ngayong araw ang Senado bilang Committee of the Whole para alamin ang programa ng Gobyerno sa pagbabakuna laban sa Covid-19.
Sinabi ni Senate Majority leader Juan Miguel Zubiri na pagpapaliwanagin nila ang Department of Health (DOH) at Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease kung bakit mabagal sa pagbili ng bakuna gayong may inilaang pondo ang Kongreso para dito.
Sa pinagtibay na 2021 budget, naglaan ang Kongreso ng mahigit 72 bilyong pisong pondo para sa bakuna bukod pa sa pondong pinagtibay sa ilalim ng Bayanihan to Recover as one Law.
Katunayan, sa ibang bansa umarangkada na ang pagbibigay ng bakuna sa kanilang mamamayan samantalang ang Pilipinas ay nakikipagnegosasyon pa rin.
Ito aniya ang dahilan kaya ang mga lokal na pamahalaan ay nag-kanya-kanya na ng pakikipag-transaksyon sa mga Pharmaceutical companies para lamang matiyak na may mabibiling Covid-19 vaccine.
Kasama sa mga pinahaharap sa Pagdinig ngayong araw sina Health Secretart Francisco Duque III, Vaccine Czar Carlio Galvez, mga opisyal ng Food and Drug Administration at iba pang mga eksperto.
Nais ring malaman ng iba pang mga Senador kung ano ang contingency plan ng Gobyerno sa bagong variant ng virus ngayong nakapasok na rin ito sa bansa.
Sinabi ni Senador Risa Hontiveros na hindi maaaring maging in-denial ang Gobyerno lalu ngayong wala pa taying nakukuhang bakuna at wala pang proteskyon ang mga Filipino.
Meanne Corvera