Pilipinas, tiyak nang may 30 million doses ng Covid-19 vaccines mula India
Sigurado nang makakakuha ng 30 milong doses ng Covid-19 vaccine ang Pilipinas mula India.
Ito’y matapos lumagda ang Pilipinas sa pamamagitan ni Vaccine Czar Secretary Carlio Galvez, mga kinatawan ng Serum Institute of India (SII) at Faberco Life Sciences, Inc sa isang term sheet para sa 30 milyong doses ng Covovax anti-covid vaccine.
Ang Covovax ay inaasahang magiging available simula sa ikatlong quarter ng taon.
Ang Serum Institute of India (SII) ay una nang nakipag-partner sa US based Biotechnology company na Novavax para sa development at commercialization ng Covovax vaccine.
Ang Covovax ay nasa ikatlong stage na ng Clinical trial.
Ayon kay Faberco Life Sciences Medical Director Dr. Luningning Villa, nasa 15 milyong vulnerable at mahihirap na Filipino ang inaasahang mababakunahan ng Covovax.
Ang temperatura na kailangan sa bakuna ay nasa 2 hanggang 8 degree celsius na siyang standard temperature sa cold chain system na mayroon sa Pilipinas kaya inaasahang hindi magiging mahirap ang pamamahagi nito hanggang sa mga liblib na barangay.
Ang Covovax ay dumaan umano sa masusing pag-aaral at sinubukan sa iba’t-ibang Heograpiya, edad at mga sektor na pinaka-apektado ng Covid-19.
Sinubukan ri umano ang bakuna sa mga mayroong Human Immunodeficiency Virus (HIV) at maging ng iba’t-ibang racial at ehtnic minorities.
Ang bakuna ay dumaan umano sa initial phase ng Clinical trials sa Australia, South Africa at India.
Habanga ng phase 3 ng trial ay ginagawa sa United Kingdom na may 15,000 participants at sa Estados Unidos at Mexico na may 30,000 participants.
Pero sa ngayon, hindi pa umano pinal ang presyo ng bakuna ngunit tiniyak ng SII na epektibo ito, ligtas at abot kaya ang presyo.
Ang SII ay naging supplier na rin ng iba’t-ibang bakuna para sa expanded program for Immunization ng pamahalaan.
Habang ang Faberco naman ay naging partner ng SII sa iba pang bakuna sa Pilipinas gaya ng Inactivated Polio vaccine, Rotavirus vaccine at Pneumococcal vaccine.
Madz Moratillo