Health care workers na tinamaan ng Covid-19, nasa 13,834 na
Umabot na sa 13,834 ang bilang ng mga Health care workers sa bansa na tinamaan ng COVID-19.
Pero ayon sa Department of Health (DOH), sa bilang na ito ay 97.4% o 13,480 na ang nakarekober mula sa sakit.
Bumaba na rin sa 278 ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng Health care workers sa 278.
Sa bilang na ito, 146 ang Mild cases; 104 ay Asymptomatic; 15 ang Severe condition; 11 ang Critical condition at 2 ang nasa moderate condition.
Sa datos ng DOH, ang mga nurse pa rin ang nangunguna sa hanay ng Health care workers na tinamaan ng COVID-19 na sinundan ng mga Doktor, Nursing Assistant, Medical Technologists, Admin Staff at iba pa.
Hindi naman na nadagdagan ang bilang ng Health care workers na nasawi dahil sa COVID-19 na nanatili sa 76.
Madz Moratillo