Ordinansa sa pagbuo ng OFWs Help Desk inilabas na ng Bacoor City Gov't

Ordinansa sa pagbuo ng OFWs Help Desk inilabas na ng Bacoor City Gov’t

Inilabas na ng Bacoor City Government ang ordinansa na bubuo ng Bacoor City Overseas Filipino Workers (OFWs) Help Desk sa kanilang siyudad.
Ito ay ang Ordinance no. 137-2020 s. 2020 na pinanukala noon pang Nobyembre 23, 2020.

Layunin ng Bacoor City OFWs Help Desk na tulungan ang mga OFW sa kanilang mga problema na may kinalaman sa pycho-social, moral at economic status ng mga ito. 

Isang paraan na rin ito upang mabigyan ng suporta at  proteksyon ang mga OFW sa Bacoor City para sa kanilang mga karapatan at kapakanan lalo na ng kani-kanilang pamilya sa panahong ito ng pandemya ng COVID-19.

Ulat ni Jet Hilario

Please follow and like us: