Anti-Covid vaccine sa bansa, tiyak na sa Pebrero
Aarangakada na sa Pebrero ang pagbabakuna ng Gobyerno laban sa Covid-19.
Ito ang kinumpirma ni Vaccine Czar Carlito Galvez sa pagdinig ng Senado.
Target aniya ng Gobyerno na mabakunahan ngayong taon ang 50 hanggang 70 milyong populasyon.
Nasa final stages na aniya ang transaksyon para sa pagbili ng may 148 milyong bakuna sa pitong Pharmaceutical companies at patas naman ang lahat ng presyo sa nangyaring kasunduan.
Sec. Carlito Galvez:
“Best case scenario is based on the suppley and demand of the vaccine, if we achieve the early deployment of vaccine. We might have been a short fall maybe on the second of first quarter of 2022″.
Inaasahan nilang matatanggap ang unang delivery sa Pebrero 20 ngayong taon.
40 milyong bakuna o mayorya ng bakuna ay magmumula aniya sa Novavax.
May kasunduan na rin sa Pfizer para sa 40 milyong doses, 25 hanggang 30 million naman sa Astrazeneca habang tig-25 milyon sa Gamaleya at Sinovac.
Pero 100 milyong pa lamang rito ang maaaring matanggap ng Pilipinas ngayong taon dahil 80 percent aniya ng suplay ay nakalaan na sa mga mayayamang mga bansa.
Ito aniya ang dahilan kaya ginagawa ng Gobyerno ang lahat ng paraan para magkaroon rin ng alokasyon ang Pilipinas.
Meanne Corvera