Mga kabataang 16-anyos pababa, hindi muna isasama sa mga babakunahan ng anti Covid-19 vaccine
Libreng ibibigay ng Gobyerno ang anti Covid-19 vaccine.
Ito ang tiniyak ni Health Secretary Francisco Duque III, sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole.
Ayon sa kalihim, nakipag-partner na sila sa iba’t-ibang pribadong organisasyon para maging mabilis ang pamamahagi ng bakuna sakaling dumating na ito sa bansa.
Kukuha rin ang Gobyerno ng 25,000 mga Vaccinators kung saan 100 katao ang target mabakunahan ng bawat vaccinators sa loob ng isang araw.
May inilatag na rin aniya silang mga plano para sa mga Vaccination Center kung saan ang mga nabigyan ng bakuna hindi muna pauwiin at oobserbahan muna sa loob ng 30 minuto hanggang isang oras.
Sa ngayon ay nakikipag-tulungan na aniya ang DOH sa iba’t-ibang sektor at media entities para magsagawa ng Information Campaign para hindi magkaroon ng pangamba ang publiko sa bakuna.
Aminado ang Kalihim na dahil sa Dengvaxia, bumaba ang confident level ng mga Filipino.
“The President policy is directive,lahat po ng mga Filipino ay dapat mabakunahan.. Yan ang gusto ni Pangulong Duterte pero given nga po meron tayong supply medication, we are hoping na first quarter of this year. So about 70 million Filipino”.
Samantala, sinabi ni Dr. Rabindra Abeyasinghe, World Health Organization (WHO) Representative to the Philippines na mga Medical Frontliners at mga Indigent o mahihirap na mamamayan ang prayoridad na mabigyan ng bakuna na may edad 18 hanggang 59 anyos pero hindi kasama ang mga kabataan na 16-anyos pababa.
Ayon WHO official, hindi kasi nasuri ang mga Covid vaccine sa mga bata maliban pa sa mababa rin ang kaso ng mga batang nahahawaan ng virus.
Meanne Corvera