Bilang ng mga pribadong kumpanya na gustong bumili ng sariling anti Covid-19 vaccine, dumarami-Malakanyang
Patuloy na naragdagan ang bilang ng mga pribadong kumpanya na nagnanais makabili ng sariling bakuna laban sa COVID-19.
Sinabi ni Presidential Adviser on Entrepreneurship Secretary Joey Concepcion na nasa 240 pribadong kompanya na ang sumali sa Tripartite Agreement para makabili ng AstraZeneca anti COVID 19 vaccine na gawa ng United Kingdom.
Ayon kay Concepcion mayroon pang karagdagang 35 pribadong kompanya ang lalagda sa Tripartite Agreement para sa AstraZeneca anti COVID-19 vaccine.
Inihayag ni Concepcion na nasa kabuuang 6 na milyong doses na ng AstraZeneca anti COVID-19 vaccine ang naisara ng mga pribadong kumpanya na bibilhin.
Niliwanag ni Concepcion kalahati ng mabibili ng mga pribadong kompanya na bakuna ay ibibigay sa pamahalaan at ang natitirang kalahati ay gagamitin sa kanilang mga empleyado.
Si Concepcion ang tumatayong coodinator sa mga pribadong kompanya para matulungan ang gobyerno sa Mass Vaccination program ng pamahalaan.
Vic Somintac