FDA, pinaglalabas na ng Emergency use authorization sa bakuna kontra Covid-19
Pinabibilisan ni Senador Grace Poe sa Department of Health (DOH) at Food and Drug Administration (FDA) ang proseso ng paglalabas ng Emergency Use Authorization sa paggamit ng Covid-19 vaccine.
Ayon kay Poe, ito’y para hindi maakusahan ang FDA at DOH na naghihintay muna ng lagay bago aprubahan ang pagpasok ng bakuna.
Ayon kay Poe, hindi ang virus ang papatay sa mga Filipino kundi ang Red tape sa Gobyerno.
Nauna nang sinabi ni FDA Director General Eric Domingo sa pagdinig ng Senado na kailangan pa aniyang kumpletuhin ang EUA application ng Pfizer ngayong linggo na tatagal ng 21 araw habang sa susunod na linggo naman nakatakda ang sa Astrazeneca.
Pero ayon kay Poe, maaari namang paikliin ang proseso dahil habang pinatatagal ito, hindi maaalis ang duda na naghihintay lang sila ng kickback.
Giit ng Senador, dumaan na sa mahaba ay mabusising proseso ang mga kumpanyang ito sa iba’t-ibang mga bansa pero bakit pagdating sa Pilipinas ay tila iniipit sila ng Gobyerno.
Dapat rin aniyang transparent ang Gobyerno lalu na ngayong may Public Health Emergency.
Meanne Corvera