Bayanihan law 3 para pondohan ang laban kontra COVID-19 hindi na kailangan
Hindi na ipupursige ng Senado ang pagsasabatas ng ikatlong Bayanihan Law na tatawagin sanang Bayanihan to rebuild as one act para pondohan pa ang mga programa laban sa COVID 19.
Ayon kay Senate president Tito Sotto III, maaring hindi na ito kailangan dahil napalawig na nila ang bisa ng BAYANIHAN 2 O Bayanihan to recover as one act at maayos naman umano itong naipatutupad .
Mapapaso sana ang BAYANIHAN 2 nung Disyembre pero pinalawig ito hanggang Hunyo para patuloy na magamit ang mga pondo mula rito sa pagtugon sa pandemya.
Isa na ang 10 Billion pesos na pandagdag sa pambili ng bakuna kontra COVID 19.
Sa Senado, dalawa na ang nakahain na panukalang BAYANIHAN 3.
Inakda ito nina Senate Presidente Pro Tempore Ralph Recto at Senator Christopher Bong Go.
Meanne Corvera