120 pang Filipino abroad, nagpositibo sa COVID-19
Higit 100 pang Filipino sa abroad mula sa Middle East at Africa, ang nagpositibo sa COVID-19.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), 120 pa ang naragdag sa mga kaso, kaya’t sa kabuuan ay umaabot na sa 13, 498 ang mga Filipino sa abroad na may COVID-19.
Paliwanag ng DFA, tumaas ang bilang dahil sa late reports bunsod ng privacy concerns sa isa sa mga bansa sa naturang rehiyon.
Wala namang dagdag na namatay o nakarekober mula sa COVID-19 sa mga Filipino sa abroad, kaya’t ang kabuuang bilang pa rin ng gumaling ay 8, 585 habang ang kabuuang bilang ng mga namatay ay namamalagi sa 935.
Ang Middle East at Africa pa rin ang mga rehiyon na may pinakamaraming kaso ng COVID-19, gumaling at namatay sa kalipunan ng Filipinos abroad, kung saan ang bilang ay 7836, 4691, at 602.
Ayon sa DFA, patuloy nilang imo-monitor ang status ng mga overseas Filipino at ayusin ang pagpapauwi sa mga ito.
Liza Flores