Pfizer, mamadaliin na ang pagpapadala ng Covid-19 vaccine sa Pilipinas
Mamadaliin na ng Pfizer ang pagpapadala ng Covid-19 vaccine sa Pilipinas kasunod ng inisyung Emergency Use Authorization ng Food and Drug Adminsitration (FDA).
Sa pagpapatuloy ng pagdinig sa Senado, sinabi ni Andreas Riedel, Country Manager ng Pfizer na may advance discussions na ang kumpanya at Pilipinas para sa supply deal agreement.
Sinabi ni Riedel na may commitment ang Pfizer na maibigay at maging available ang bakuna sa mga low income countries kabilang na ang pilipinas para umusad na ang Vaccination program.
Samantala, sinabi ni Vaccie Czar Carlito Galvez na umaabot na sa 300 mga Local Government Units at mga pribadong sektor ang lumagda sa Supply agreement para sa pagbili ng bakuna.
Wala aniyang gagastusin ang Gobyerno para sa kanilang bibilhing bakuna.
Handa aniya ang mga pribadong sektor na i-donate sa mahihirap ang 30 hanggang 5 percent ng kanilang bibilhing bakuna habang ang iba pa ay para sa mga low-income earners na mga manggagawa.
Layon aniya nilang makatulong para mapabilis ang pagbangon ng ekonomiya.
Meanne Corvera