Skyway stage 3, binuksan na sa mga motorista ngayong araw
Magagamit na ng publiko simula ngayong araw ang Skyway stage 3 na magkokonekta sa South Luzon expressway at North Luzon expressway.
Kasabay ng pagbubukas ng skyway kaninang umaga ay ininspeksyon din ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar ang 18 kilometers expressway.
Ayon kay Villar, malaking tulong ito para mabawasan ang mga sasakyan na dumaraan sa Metro Manila lalu na sa Edsa.
Mula SLEX patungong NLEX at pabalik, aabot na lamang sa 30 minuto ang biyahe na dating umaabot ng dalawang oras kung gagamitin ang skyway.
Pito sa 16 na ramps nito ang bukas na sa ngayon at ito ay ang mga sumusunod:
- Buendia (Zobel) Northbound
- Buendia (Zobel) Southbound
- Plaza Dilao Southbound
- Quezon Ave. Northbound and Southbound
- Quezon Ave. Northbound and Southbound
- Balintawak Northbound
- Balintawak Southbound
Aabot na sa 70,000 mga sasakyan kada araw ang dumaraan sa Skyway simula nang ito ay buksan.
Nilinaw din ni Villar na libre muna ang pagdaan sa Skyway habang pinag-uusapan pa ang magiging Toll fee dito.
Kahapon, pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte at San Miguel Corporation Chairman Ramon Ang ang pagpapasinaya sa Skyway.
Earlo Bringas