Paggamit ng dalawang magkaibang bakuna sa isang tao, hindi maaari- DOH
Hindi ipinapayo ng mga eksperto na gumamit ng dalawang magkabang brand ng bakuna sakaling magpapaturok ng Covid-19 vaccine.
Ito ang sagot ng Department of Health (DOH) sa mga nagnanais na sumubok ng iba pang brand ng bakuna kapag naturukan na ng iba.
Sa pagdinig ng Senado, sinabi ni Health secretary Francisco Duque III na bawal ang dalawang magkaibang bakuna dahil maaaring magkaroon ito ng ibang epekto sa tao.
Kapag nangyari aniya ito, mahihirapan ang mga kesperto na tukuyin kung saan bakuna ito nakuha.
Ipinahayag rin ng Philippine Medical Association (PMA), labag ito sa Standard procedure.
Samantala, sinabi pa ni Bravo na inaprubahan na ng World Health Organization (WHO) ang 50% efficacy rate ng Sinovac vaccine.
Anumang bakuna aniya laban sa Covid-19 ay itinuturing na ngayong investment bilang proteksyon sa malalang sakit.