Health care workers na tinamaan ng Covid-19, higit na sa 14,000
Pumalo na sa 14,041 ang bilang ng health care workers na tinamaan ng Covid-19.
Pero ang magandang balita ayon Department of Health (DOH), umabot na sa 13,699 ang health care workers na nakarekober o gumaling mula sa virus.
Sa ngayon ay nasa 265 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa kanilang hanay.
Sa bilang na ito 145 ang Mild cases, 93 ang Asymptomatic, 15 ang nasa Severe condition habang 11 ang nasa Critical condition at may isa namang nasa Moderate condition.
Pinakamarami sa mga nagkasakit ay sa hanay ng mga nurse, sinundan ng mga doktor at nursing assistants.
Naragdagan naman ang bilang ng mga nasawing Health care worker na ngayon ay nasa 77 na.
Pinakamarami naman sa mga nasawi ay sa hanay ng mga doktor, sinundan ng mga nurse at admin staff.
Madz Moratillo