108-anyos na lola sa Italy, binakunahan laban sa COVID-19
ROME, Italy (AFP) — Isa sa pinakamatandang tao sa buong mundo na nabigyan ng COVID-19 vaccine, ang isang 108 taong gulang na Italyana. Binakunahan siya, isang buwan matapos niyang gumaling mula sa sakit.
Si Fatima Negrini, na magiging 109 anyos na sa June 3 ay binakunahan nitong Lunes kasama ng iba pang mga residente ng Anni Azzurri San Faustino Care Home sa Milan.
Sinimulan ng Italya ang coronavirus vaccinations noong December 27 at mula noon ay nakapagbakuna na ng 1.15 milyong katao.
Nitong Lunes, binakunahan din si Sami Modiano, isang 90-anyos na Holocaust survivor mula sa Roma.
Ang pagtanggap ng bakuna ni Modiano ay ipinost sa Twitter ng Regional President at lider ng centre-left Democratic Party na si Nicola Zingaretti.
Ayon kay Zingaretti, ang pagbibigay ng bakuna kay Modiano ay lumalarawan sa tiwala at pag-asa para sa lahat.
© Agence France-Presse