Financial Consumer Protection ng bansa, pinaiimbestigahan
Matapos ma-hack ang kaniyang Credit card, pinaiimbestigahan ni Senador Sherwin Gatchalian sa Senado ang estado ng Financial Consumer protection sa bansa.
Ayon kay Gatchalian matapos siyang mabiktima, marami ang lumapit sa kaniyang tanggapan na biktima rin ng Financial Cyber thieves.
Kasama aniya sa reklamo sa kanila ang Phising, hindi otorisadong pahlilipat at withdrawals sa mga deposit accounts at payment card theft.
Nais ng Senador na busisiin rin ito ng Senado dahil lumitaw sa kanilang inisyal na imbestigasyon na isang tao lang ang gumawa ng pagnanakaw sa pamamagitan ng kaniyang credit card.
Samantala, sinabi ni Senador Grace Poe, Chairman ng Committee on Banks na mag-imbestiga.
HIndi lang kasi aniya mga Public figure gaya ni Gatchalian ang nananakawan kundi ang iba pang depositors o gumagamit ng mga online Banking transactions.
Ang masama ayon sa Senador, ang pulitiko o negosyante nababalik ang pera pero napapabayaan ang mga pangkaraniwang tao.
Napapanahon na aniya para pagtibayhin ang panukala para kasuhan ng Economic sabotage ang mga sangkot sa mga ganitong kaso.
Maliban sa panukala, nais naman ni Majority Leader Juan Miguel Zubiri na talakayin na rin ang Sim Card Registration Act na pending sa Committee on Public Services.
Sa pamamagitan aniya ng pagpaparehistro ng mga prepaid sim cards, madali ng matutukoy ang mga gumagawa ng krimen.
Meanne Corvera