13 closed contact ng pinoy na nagpositibo sa new variant ng COVID-19 nagpositibo sa virus
Kinumpirma ng Department of Health na labing tatlo sa nagkaroon ng close contact sa 29 anyos na pinoy na nagpositibo sa UK variant ang nagpositibo sa COVID-19.
Ayon kay Health Usec Ma Rosario Vergeire, ang walo dito ay ang nakasabay nito sa biyahe sa eroplano.
Ang iba namang nagpositibo ay ang girlfriend ng nasabing 28 anyos na lalaki na una ng nag- negatibo sa virus ng isalang sa RT PCR test pagdating sa bansa pero nagpositibo matapos sumalang sa re swabbing.
Nagpositibo rin ang nanay ng nasabing lalaki.
Sa iba pang nakasalamuha ng nasabing lalaki pagdating nito sa bansa may isa ring nagpositibo sa virus.
Pero ayon kay Vergeire ang nasabing indibidwal ay recovering patient o dati ng nagpositibo sa COVID-19 noong ikalawang linggo ng Disyembre kaya ang maaaring nadetect rito ay remnants na ng virus.
Ang swab specimen ng mga nagpositibo na ito ay dinala na sa Philippine Genome Center para alamin kung mayroon silang bagong variant ng COVID-19.
Madz Moratillo