Marikina river, umapaw dahil sa magdamag na pag-ulan
Umabot sa 15 meters critical level ang Marikina river dahil sa magdamagang pag-ulan.
Ilang mga sasakyan na nakaparada sa tabing-ilog ang nalubog sa baha.
Dahil sa pangamba ng mga residente na maulit ang pagbaha noong bagyong Ulysses, magdamag nilang binantayan ang lebel ng tubig sa ilog.
Bantay sarado rin ng mga Barangay officials, rescue team at pulisya ang mga residente malapit sa ilog at ilan sa kanila ang ang inilikas at dinala sa evacuation center.
Agad din nilang inalerto ang mga residente sa pamamagitan ng pagpapatunog ng sirena at pag-iikot sa mga lugar na mabilis na nalulubog sa baha.
Ayon kay Allan Esteban, Barangay Tanod sa Sto. Niño, umakyat na sa 15 meters ang lebel ng tubig hanggang alas-5:00 ng umaga kanina at umakyat pa ito sa 16.2 meters o sa ikalawang alarma kahit pa tumila na ang ulan.
Unti-unti namang bumaba ang lebel ng tubig sa ilog pagsapit ng umaga.
Aniya, inihanda na nila ang mga evacuation centers sakaling may mga maaapektuhan pang residente.
Earlo Bringas