Palpak na serbisyo ng TelCos sa internet, personal na isusumbong ni Sec. Roque kay PRRD
Napuno na si Presidential Spokesman Secretary Harry Roque sa kapalpakan ng mga Telecommunications Company sa serbisyo sa internet connection sa bansa.
Sinabi ni Roque na siya na mismo ang mag-uulat sa Pangulo kung anong uri ng Internet service connection ang ibinibigay ng mga TelCo.
Ginawa ni Roque ang pahayag matapos magkaputol-putol ang signal ng internet connection habang nagsasagawa ng virtual press briefing sa New Executive Building ng Malakanyang.
Guest ni Roque sa virtual briefing si Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary Manny Caintic para pag-usapan ang improvement sa serbisyo ng mga TelCo na gustong mangyari ni Pangulong Duterte nang biglang magkaputol-putol ang signal at nawala sa linya ang opisyal.
Magugunitang nagbanta mismo ang Pangulo sa TelCos na kung hindi gaganda ang kanilang internet service ay ipasasara ang kanilang operasyon.
Vic Somintac