Mga opisyal ng mga Pharmaceutical companies, pinahaharap ng Senado sa pagdinig sa Vaccination Program ngayong araw
Pinahaharap sa pagdinig ng Senado ngayong umaga ang mga kinatawan ng Pharmaceutical companies kung saan may kontrata ang Gobyerno para sa Covid-19 vaccine.
Partikular rito ang mga opisyal ng Sinovac.
Naging kontrobersyal ang Sinovac dahil napakamahal ang presyo nito at sinasabing 50% lamang ang efficacy rate.
Maliban sa Sinovac Biontech Ltd., inimbitahan ng Senado ang Zuellig Pharma Philippines, Pfizer Philippines at Unilab, Inc.
Imbitado rin sina Vaccine Czar Carlito Galvez, Health secretary Francisco Duque III at iba pang miyembro ng Inter-Agency Task Force (IATF).
Inaasahang sa pagdinig, ilalahad ni Galvez ang mga kontrata ng bakuna na ipinakita nito kay Senate President Vicente Sotto III at iba pang mga Senador.
Meanne Corvera