Pasig City LGU at DOH nagsagawa ng Simulation exercise para sa COVID-19 vaccination
Nagsagawa ang Pasig City Government at DOH ng tabletop simulation exercise bilang paghahanda sa COVID-19 Vaccination Program.
Ayon sa Pasig City PIO, sa nasabing simulation exercise, inilatag ng Pasig City Beat COVID-19 Vaccination Team ang vaccination plan ng lokal na pamahalaan sa mga kinatawan ng WHO, National Task Force against COVID-19 Vaccination Cluster, Regional Inter-Agency Task Force – National Capital Region, at DOH.
Iprinisinta rin sa mga miyembro ng Pasig vaccination team ang ibat ibang scenario na maaaring maganap sa pre-vaccination, vaccination, at post-vaccination phases at tinanong ang kanilang action plans para matugunan ang mga nasabing pangyayari.
Pinuri naman ng mga health experts ang plano ng Pasig City LGU at nagbigay ng mga inputs kung papaano pa ito mapagbubuti.
Sinabi ng lokal na pamahalaan na mahalaga ang tabletop exercise para mapagbuti ang microplan bago isagawa ang full-scale simulation.
Moira Encina