DOH tiniyak ang mahigpit na Quarantine Protocol sa mga pasaherong dumarating sa bansa
Tiniyak ng Department of Health (DOH) na lahat ng dumarating sa Pilipinas nagmula man sa bansang walang pinaiiral na Travel restriction ay isinasailalim sa COVID-19 testing at Quarantine.
Ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, pagdating sa bansa isinasailalim ang mga pasahero sa RT-PCR test.
Habang hinihintay ang resulta ay naka-quarantine naman ang mga ito.
Kung mag-negatibo sila sa virus, pinapayagan aniyang makauwi ang mga ito sa kanilang lugar.
Pero sa ilalim ng kondisyon na ang kanilang lokal na pamahalaan ay sisiguruhin na matatapos ng mga ito ang kanilang 14 na araw na Quarantine.
Ang paglilinaw ay ginawa ni Vergeire kasunod ng pagkakaroon na ng UK variant ng COVID-19 sa bansa na nagmula sa isang bansa na hindi kasama sa may pinaiiral na travel restriction ang Pilipinas.
Madz Moratillo