Iba’t-ibang munisipalidad sa Kalinga, muling isasailalim sa community quarantine sa loob ng 14 na araw
Muling isasailalim sa community quarantine, ang iba’t-ibang munisipalidad sa Kalinga, dahil na rin sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Magsisimula ito sa darating na Enero a-25, Lunes.
Ang Tabuk city ay isasailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ), habang Modified Community Quarantine naman sa munisipalidad ng Rizal, Lubuagan, Tanudan at Balbalan.
Ang munisipalidad ng Pasil at Tinglayan ay isasailalim sa General Community Quarantine (GCQ), habang ang munisipalidad ng Punukpok ay ilalagay naman sa Modified General Community Quarantine (MGCQ).
Kaugnay nito ay muling nagpaalala ang Provincial Governor ng Kalinga sa lahat ng mga pamayanan, na magdoble ingat sa sarili at palagiang magsuot ng face mask, face shield at sundin ang physical distancing upang maging ligtas ang kalusugan.
Ulat ni Esther Batnag