14 days quarantine policy hindi dadagdagan kahit may mga bagong variant ng COVID-19 – DOH
Hindi kailangang palawigin o baguhin ang araw ng quarantine period sa kabila ng pagkakaroon na ng mga bagong variant ng COVID-19.
Ito ang iginiit ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire kasunod ng ulat na sa Macau ay 21 araw na ang itinakdang quarantine period para sa mga dumarating na pasahero sa kanila mula sa ibang bansa.
Paliwanag ni Vergeire, kahit may bagong variant ay hindi naman nagbago ang mekanismo o paraan ng transmission ng virus.
Nananatiling pareho rin ang incubation period nito.
Ang kailangan lang aniya ay palakasin ang pagpapatupad ng health protocols bilang pag iingat sa COVID-19.
Madz Moratillo