Presyo ng galunggong ipinasasama sa price freeze
Ipinasasama ni Senador Grace Poe sa price freeze ang presyo ng galunggong.
Ayon kay Poe, hindi lamang presyo ng baboy ang mahal sa mga palengke kundi ang presyo ng galunggong na pumalo na sa halos P 300 ang kada kilo.
Sinabi ng Senador na masyado nang umaaray ang mga mamimili sa mataas na presyo ng pagkain.
Marami aniya ang wala pang trabaho dahil sa epekto ng pandemya pero butas pa ang bulsa dahil sa mataas na presyo.
Nauna nang inirekomenda ng DA sa Malacañang na magpatupad ng price ceiling sa baboy at manok, kung saan ilalagay sa P270 ang kada kilo ng kasim at pigue, P300 sa liempo at P130 naman a kada kilo ng dressed chicken.
Sa ilalim ng Price Act, ang Pangulo ay maaring magpataw ng price ceiling sa pangunahing pangangailangan o prime commodity lalo na kung kung may kalamidad, emergency, malawakang iligal na price manipulation.
Meanne Corvera