Kaligtasan ng mga Pinoy, prayoridad ng Malakanyang sa nagaganap na gulo sa Myanmar
Inatasan ng Malakanyang ang mga opisyal at tauhan ng Embahada ng Pilipinas sa Myanmar na tiyakin ang kaligtasan ng mga Filipino sa gitna na rin ng kasalukuyang kaguluhan sa naturang bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque hindi makikialam ang Pilipinas sa panlooob na problema ng Myanmar dahil ang tanging concern ng pamahalaan ay ang kaligtasan ng mga Pinoy na nagtratrabaho sa Myanmar.
Inihayag ni Roque na nakahanda ang mga military assets ng pamahalaan kabilang ang mga eroplano ng Philippine Air Force (PAF) at mga barko ng Philippine Navy (PN) kung kinakailangan na iuwi ang mga Pinoy na nasa Myanmar sakaling lumala ang kaguluhan doon.
Niliwanag ni Roque na sa ngayon ay mahigpit na minomonitor ng Embahada ng Pilipinas ang kaganapan sa Myanmar.
Vic Somintac