PRRD: AstraZeneca anti-Covid-19 vaccine ng UK, hinohostage ng EU
Ibinulgar ni Pangulong Rodrigo Duterte na nahihirapan ang Pilipinas na makabili ng anti COVID 19 vaccine na AztraZeneca na gawa ng United Kingdom dahil hinohostage ng mga European Union member countries.
Sinabi ng Pangulo sa kanyang regular weekly Talk to the People, na pinipigil ng European Union ang pag-export ng AstraZeneca.
Ayon sa Pangulo, kahit mayroon nang pera ang Pilipinas para makabili ng bakunang AstraZeneca hindi pa rin ito mangyayari agad-agad dahil kontrolado ng European Union ang supply.
Magugunitang ang AstraZeneca ang brand ng anti COVID 19 vaccine na gustong bilhin ng mga pribadong kumpaya at mga Local Government Unit (LGU) sa pamamagitan ng Tripartite Agreement.
Vic Somintac