Pamahalaan nalulugi ng 2 bilyong piso kada araw dahil sa patuloy na pananalasa ng COVID -19 pandemic – PRRD
Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na dahil sa patuloy na pananalasa ng pandemya ng COVID -19 ay lalong bumabagsak ang kabuhayan ng bansa.
Sa kanyang regular weekly talk to the people sinabi ng Pangulo na batay sa pagtaya ng mga economic managers nasa 2 bilyong piso kada araw ang nawawalang kita ng pamahalaan.
Ayon sa Pangulo hindi lamang Pilipinas ang bumabagsak ang ekonomiya kundi maging ang iba pang bansa sa daigdig dahil sa epekto ng COVID 19 pandemic.
Inihayag ng Pangulo hindi nangangahulugan na wala ng magagawa ang gobyerno dahil sinisikap ng economic team ng pamahalaan ang ibangon ang kabuhayan ng bansa.
Naniniwala ang Pangulo na ang tanging paraan para tuluyang makabangon ang ekonomiya ng bansa ay ang bakuna laban sa COVID 19 para makontrol na ang pandemyang dulot ng corona virus.
Vic Somintac