Massive Info campaign para sa anti COVID-19 mass vaccination, inilarga na ng Malakanyang
Inumpisahan na ng pamahalaan ang nationwide massive information drive para sa anti COVID 19 mass vaccination program .
Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Public Information Agency (PIA) Director General Under Secretary Ramon Cualoping, importante na maipaliwanag sa publiko ang kahalagahan ng bakuna.
Ayon kay Cualoping, makakatulong ng PCOO/PIA ang Department of Health (DOH), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Interior and Local Government (DILG) sa ginagawang information campaign.
Inihayag ni Cualoping na nais ng pamahalaan na maalis ang pagdududa ng publiko sa bisa ng mga anti-COVID-19 vaccine na bibilhin dahil ito ay dadaan sa masusing pagsisiyasat ng mga eksperto sa pangunguna ng Food and Drug Administration (FDA).
Target ng gobyerno na mabakunahan ang 70 milyong Filipino para magkaroon ng herd immunity at tuluyan nang makontrol ang pagkalat ng pandemya ng COVID-19 sa bansa.
Vic Somintac