Bakit ba Tayo Nagtatanong?

Naranasan n’yo na bang tanungin kayo ng bata?  Pagkatapos nyong sagutin ang tanong may kasunod  agad na salitang “bakit” tila walang hanggang o katupusan na “bakit”?

Eh, yun habang nagsasalita ka sa klase o sa harap ng maraming tao biglang may magtatanong, pero obviously alam niya ang sagot sa tanong, at ito pa ha, itatanong sa’yo kung maasim ba yung lasa ng dalanghita o manggang hilaw, eh nakita naman sa mukha mo na maasim.

Meron pang nagtatanong kung mainit ang isang pagkain samantalang nang isinubo mo eh halos mailuwa mo na ito dahil sa init o pagkapaso ng iyong bibig..

Pero alamin nga natin  ang mga dahilan kung bakit tayo ay nagtatanong?

Alam ninyo ba base sa Google Internet  ang most common question asked na kanilang natanggap ang nangunguna ay kung ano ang  IP  address?, umabot sa mahigit na 3 milyon ang nagtatanong, kabilang na rin ang tanong  na “what  time is it?” At ang salitang “what is love?”

Paliwanag ni Mam Vida Cagurangan, isang Psychologist, ang lahat ng tao, bata man o matanda ay may mga tanong na naghahanap ng kasagutan.  Kadalasan ginagawa ito para magkaroon ng karagdagang kaalaman, makakuha ng datos o iba pang impormasyon.  Pero bukod sa mga ito, maaari ding magtanong ang isang tao dahil sa iba pang rason o dahil sa ibang intensiyon.

Sinasabing ang kahulugan ng “question” o tanong ay isang pangungusap, na ipinahahayag sa pamamagitan ng salita upang makakuha ng impormasyon. Nagmula ito sa salitang Latin na quaestionem, mula sa salitang pandiwa na quarere na ang kahulugan ay humanap, suriin, at imbestigahan. Nagmula rin ito sa salitang Anglo-French na questium na may pareho ding kahulugan.

Sa kabuoan ay may dalawang uri ng tanong bagaman mayroon  pang ibang ispesipikong uri nito. Ang una ay tinatawag na “closed questions” na nasasagot ng oo at hindi at ang pangalawa ay ang “open-ended questions” na hindi maaaring masagot ng oo at hindi. Ito ay nangangailangan ng paliwanag upang masagot ang tanong.

Nagtatanong ang mga tao upang makahanap ng sagot, dahil ang sagot ay nagbibigay ng seguridad.

Ang pagtatanong ng maayos at aplikable ay nangangailangan ng kasanayan, kaya naman ang ibang propesyonal ay sumasa-ilalim ng mga espesyal na pag-aaral tungkol sa pagtatanong ng naaayon sa kanilang propesyon.

Nagtatanong ang mga tao dahil sa kuryosidad. Ngunit maaaring ito rin ay dahil sa mga sumusunod na dahilan: Upang maiwasan ang kalituhan; Para  maramdaman ng iba na siya ay espesyal o importante; o maging gabay sa pag-uusap na magtuturo sa direksiyon na nais tunguhin; Upang magturo sa tao na makahanap ng sagot para sa kanilang sarili; Upang makakuha ng simpatiya sa pamamagitan ng mabuting pang-unawa sa pananaw ng iba. Upang maimpluwensiyahan/ mapalitan ang opinyon o pananaw ng iba. Upang makapagsimula ng bagong relasyon. Upang mapatatag ang relasyon.  Upang makuha ang atensyon ng iba. Upang makalutas ng problema. Upang makabuo ng kasunduan o di pagkakasundo.

Kadalasang itinatanong ng mga tao kung ang madalas na pagtatanong lalo na sa mga bata ay tanda ng katalinuhan. 

Ang katotohanan, kapag ang isang tao ay nagtatanong, hindi lamang ito tanda ng katalinuhan kundi ito rin ay nagpapakakita ng malakas na karakter. Ito ay dahil hindi lahat ng tao ay malakas ang loob upang magtanong.

Karamihan ng mga tao ay nahihiyang magtanong at mapagbalewala na lamang dahil sa pagiging mahiyain, sa simpleng salita ayaw nila ng naririnig.

Maaaring uriin ang tanong na maayos o may kabuluhan o masama o walang kabuluhan.

Ang mga katangian ng isang mabuting tanong ay, Pagkakaroon ng kaugnayan sa paksa,   malinaw, maikli,  may malinaw na layunin,  gumagabay ng walang pangunguna,  tumutulong  sa pag-iisip,  “single-dimensional” (may isang dimensyon o tampok).

Ang pagtatanong ay dapat na ginagawa ng may konsiderasyon sa nararamdaman ng iba at may paggalang upang makakuha din ng maayos na sagot at may kabuluhan.

Dapat din na gumagamit ng tamang salita, tono at lakas ng boses

sa pagtatanong. Dapat din itong nasa tamang tiyempo upang maiwasan ang mga abala, kalituhan, at di pagkakaunawaan.

Kaya mga kapitbahay sabi nga ni John Maxwell

“Find your “why” and you’ll find your “way”.

Ang iyong kapitbahay Charo G.

Please follow and like us: