DOH, nagbigay ng tips sa publiko para makasigurong lehitimo ang isang COVID-19 laboratory

Kasunod ng mga ulat ng napepekeng COVID-19 RT-PCR results, pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang publiko na sa mga lisensyadong COVID-19 testing laboratories lamang magpasuri.

Ayon sa DOH, ilan sa mga paraan para maberipika kung lisensyado ang isang laboratoryo para sa COVID-19 RT-PCR testing ay sa pamamagitan ng website ng kagawaran na www.doh gov.ph.

Maaari rin umanong makita ang listahan ng mga lisensyadong COVID-19 laboratories sa Facebook page ng DOH.

Maaari rin magpakonsulta o humingi ng payo sa mga local health centers at Regional Epidemiology and Surveillance Units o iba pang mga health center kung kailangang sumailalim sa COVID-19 testing.

Payo ng DOH sa publiko, kung duda sa authenticity ng laboratoryo o resulta ay humingi ng kopya ng kanilang lisensya bilang COVID-19 RT-PCR laboratory.

Paalala ng DOH hindi lahat ng diagnostic laboratory ay maaaring magproseso ng RT PCR test dahil kailangan muna nitong mag-aplay ng lisensya.

Kaugnay nito nilinaw naman ng DOH na hindi sila nagbibigay ng lisensya para sa COVID-19 Antigen test.

Madz Moratillo

Please follow and like us: