Mga nagbebenta ng baboy, pinakiusapang huwag nang ituloy ang Pork holiday
Umapila si Senador Christopher Bong Go sa mga Hog retailers at mga Consumer group na huwag ituloy ang umano’y planong pork holiday.
Ang pork holiday ay sinasabing bilang protesta sa patuloy na pagtaas ng presyo ng baboy at iba pang basic commodities.
Ayon kay Go, lahat naman aniya ng sektor ay apektado ng krisis na dulot ng COVID-19.
Pero binabalanse naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kapakanan ng mga consumer at mga traders katunayang nagpalabas ito ng Executive Order na nagpapataw ng price ceilling sa mga karne ng baboy at manok sa loob ng dalawang buwan.
Ipinatawag na rin aniya ng pangulo ang mga miyembro ng kaniyang Gabinete para talakayin ang magagawang remedyo lalo na ngayong bagsak rin ang ekonomiya.
Meanne Corvera