PRRD, hindi hihingi ng paumanhin sa EU sa isyu ng panghohostage sa anti-Covid-19 vaccine
Walang dapat na ihingi ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte sa European Union kaugnay sa isyu ng panghohostage sa anti COVID 19 vaccine.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque matapos magpaliwanag ang European Union na hindi naman apektado ang bakunang bibilhin ng Pilipinas na AstraZeneca na gawa ng United Kingdom.
Ayon kay Roque nakatulong pa nga sa ikalilinaw ng isyu ang ginawang pagbubulgar ng Pangulo na hinohostage ng European Union ang anti COVID 19 vaccine.
Kaugnay nito sinabi ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez na ang AstraZeneca na binibili ng Pilipinas ay hindi manggagaling sa Europa kundi manggagaling sa planta ng bakuna sa bansang Thailand at India.
Magugunitang AstraZeneca ang brand ng anti COVID 19 vaccine na nais bilhin ng mga pribadong sektor sa bansa ganun din ang mga Local Government Units.
Vic Somintac