259 Barangay sa Maynila, idineklarang COVID-19 free
Umabot na sa 259 Barangay sa Maynila ang idineklarang COVID-19 free ng Manila Health Department (MHD).
Ayon sa MHD, ang mga Barangay na ito ay walang naitalang bagong COVID-19 cases mula noong Disyembre ng nakaraang taon hanggang nitong Enero.
Bilang insentibo, ang mga barangay na ito ay tumanggap ng 100 libong pisong cash mula sa Manila LGU.
May 32 naman sa mga barangay na ito ang tumanggap ng 200,000 pisong cash incentives.
Ang mga ito ay iyong walang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa loob ng apat na buwan o mula noong September hanggang October 2020 at December 2020 hanggang January 2021.
Sa pinakahuling datos ng Manila Health Department, umabot na sa 26,818 ang naitalang COVID-19 cases sa lungsod.
Pero sa bilang na ito, 357 na lamang ang aktibong kaso.
Umabot naman sa 25,672 ang bilang ng mga nakarekober.
Madz Moratillo