Anti Covid-19 vaccine, inaasahan ng Malakanyang na mapasisimulan na sa Pebrero 15
Kung walang magiging aberya, inaasahan ng Malakanyang na magsisimula ang pagbabakuna sa bansa laban sa COVID 19 sa February 15.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, hinihintay na lamang ang abiso ng Pfizer anumang araw para sa delivery ng unang batch ng bakuna sa bansa.
Ayon kay Roque ang darating na bakuna ng Pfizer ay bahagi ng World Health Organization o WHO Global Alliance COVAX Facility.
Inihayag ni Roque sa ngayon ay masasabing 100 percent na handang handa na ang mga lugar na pagdadalhan ng anti COVID 19 vaccine.
Niliwanag ni Roque dahil limitado lamang ang bakuna na mula sa WHO COVAX Facility prioridad ang mga medical health workers na nasa COVID- 19 referral hospital na tatanggap ng bakuna.
Vic Somintac