Dubai, sinimulan na ang pagbabakuna sa kanilang public transport workers
DUBAI, United Arab Emirates (AFP) – Sinimulan na ng Dubai ang maramihang pagbabakuna sa kanilang public transport workers, kung saan target ng Gulf emirate na manatiling bukas sa international tourism, sa kabila ng pagtaas ng mga kaso.
Ang United Arab Emirates, na kinabibilangan ng Dubai at anim na iba pang emirates at may populasyon na halos sampung milyon, ay nakapagbigay na ng 4.4 million doses, isa sa best vaccination rates per capita sa buong mundo, at pumapangalawa sa Israel.
Ang UAE ay nakapagtala na ng 930 namatay dahil sa COVID-19, mula nang mag-umpisa ang pandemya.
Nitong Lunes, ay nagkaroon ng mahabang linya ng fose-dosenang mga tsuper at iba pang mga empleyado na karamihan ay mula India o Pakistan, sa Roads and Transport Authority (RTA) center sa Dubai.
Sinabi ng taxi driver na si Salah Mohammed Ossman, na sila ang pinaka expose dahil sa linya ng kanilang trabaho, kaya kailangan niyang protektahan ang kaniyang sarili.
Ang RTA ay nakapagbakuna na ng may 20,000 mga empleyado, ayon kay Nada Jassem, head ng risk management and safety sa RTA. Aniya, target ng kampanya na mabakunahan ang lahat ng transport workers sa Dubai, maging ang kani-kanilang pamilya.
Ayon naman kay Hossam Al-Hadad na nagtatrabaho para sa customer service ng RTA, matagal na niyang hinihintay na siya ay mabakunahan, at tinukoy ang takot maging ng mga kasama niya sa trabaho na sila ay mahawaan.
Iba’t-ibang uri ng bakuna ang ginagamit sa nabanggit na vaccination campaign, tulad ng Pfizer-BioNtech, Sinopharm at AstraZeneca.
© Agence France-Presse