DOH, hindi magrerekumenda ng travel restriction sa South Africa

Wala umanong plano ang Department of Health na magrekumenda ng travel restriction sa South Africa kasunod ng pagtigil nito ng vaccine roll out ng COVID-19 vaccines ng AstraZeneca.

Batay sa ulat, itinigil muna umano ng South Africa ang pagbakuna ng AstraZeneca matapos makita na hindi ito gaaanong nakakapagbigay ng proteksyon laban sa variant ng COVID-19 na natukoy sa kanilang bansa.

Paliwanag ni Health Usec Ma Rosario Vergeire, wala namang kasiguruhan na ang South African variant ay hindi pa kumakalat sa ibang bansa.

Dagdag pa ni Vergeire, hindi naman pwedeng nakalockdown nalang palagi ang bansa.

Kaya naman mas pinaiigting nalang aniya nila ang protocols lalo na sa mga dumarating na pasahero sa mula sa iba’t ibang bansa para maiwasang makapasok sa bansa ang iba pang variant ng COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: