Committee report sa imbestigasyon sa red tagging ilalabas na
Ilalabas na ng Senate Committee on National Defense sa susunod na linggo ang resulta ng kanilang isinagawang imbestigasyon sa umano’y red tagging activities ng militar.
Sinabi ni Senator Ping Lacson na Chairman ng komite na ipaiikot na sa mga Senador ang Committee report para sa kanilang lagda.
Ito’y kahit wala pa silang natatanggap na reply mula sa Armed Forces of the Philippines kaugnay sa hinihingi nilang listahan ng mga umano’y estudyante ng na recruit ng CPP – NPA at kung ilan sa mga ito ang napatay sa kanilang engkwentro.
Tinukoy ni Lacson ang listahang inilabas ng AFP information exchange noong January 22 kung saan nakasulat ang pangalan ng mga estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas na umano’y naging NPA kung saan ilan sa kanila ay nahuli at napatay.
Nauna nang humingi ng paumanhin ang AFP sa paglalabas ng listahan dahil sa ilang maling impormasyon kung saan sinibak pa si Major General Alex Luna.
Meanne Corvera