Pork Holiday, isinisisi sa kapalpakan ng Administrasyon
Isinisisi ni Senador Leila de Lima sa kapabayaan ng Administrasyon ang nangyaring Pork Holiday dahil sa ipinatutupad na price ceiling.
Sa isang mensahe, sinabi ni De Lima na naging abala aniya kasi ang pamahalaan sa iba’t-ibang isyu gaya ng Red Tagging at hindi na pinansin ang matinding smuggling.
Sinabi pa ng Senador, talamak ang smuggling ng gulay, bigas, karne at iba pang basic commodities pero walang ginawang aksyon ang Gobyerno lalu na ang Bureau of Customs (BOC).
Dapat ito aniya ang inuna ng Gobyerno dahil ang smuggling ang dahilan kung bakit nakapasok ang African Swine fever na pumatay sa negosyo ng local Hog raisers.
Apektado na rin aniya ang kabuhayan ng mga Local Farmers dahil sa pagbaha ng imported na gulay at bigas kaya napipilitan silang ibenta ng mas mura ang mga inaaning mga produkto.
Meanne Corvera