Mga Manileño na nais magpabakuna kontra COVID-19, umabot na sa mahigit 80,000
Kasabay ng nalalapit na pagdating ng COVID-19 vaccines, patuloy ring naragdagan ang bilang ng mga taga-Maynila na nais makapagpabakuna laban sa virus.
Sa ngayon ay umabot na sa 84,131 ang bilang ng mga residente sa na nagpre-register sa manilacovid19vaccine.com.
Ang mga nagpapre-register na ito ay kabilang sa magiging prayoridad na mabigyan ng COVID-19 vaccines sunod sa inilatag na priority list ng National Government.
Bukod rito, ang mga nagpapre-register ay binibigyan ng QR code na magagamit nila para maging mabilis ang proseso sa pagpapabakuna.
Una rito, tiniyak ni Manila Mayor Isko Moreno na hindi magiging sapilitan ang pagpapabakuna sa Maynila.
Isang libo katao ang target aniya nilang mabakunahan kada araw sa oras na magsimula na ang Vaccination program.
Madz Moratillo