Blue Ribbon Committee naglunsad ng Online portal para sa mga reklamo ng mga motorista laban sa LTO

Inilunsad ng Senate Blue Ribbon committee na pinamumunuan ni Senador Richard Gordonn ang online complaint desk kaugnay sa palpak na sistema at mga ipinapataw na dagdag singil sa Land Transportation Office (LTO).

Ayon kay Gordon, sa pamamagitan ng kanilang online portal na www.lingkodgordon.com maaaring magreklamo ang mga motorista hinggil sa mabagal o tiwaling serbisyo ng LTO.

Sinabi ni Gordon na milyun-milyong motorista ang hindi pa rin nakakakuha ng kanilang motorcycle plates.

Ang makukuha aniya nilang impormasyon o reklamo ay gagamitin sa kanilang on-going investigation sa lumalalang kaso ng krimen dahil sa Riding-in-Tandem dahil sa hindi pagpapatupad ng Republic Act 11235 o ang Motorcycle Crime Prevention Law.

Ang kabagalan sa pagpapalabas ng bagong plaka ang sinisisi sa talamak na kaso ng pagpatay na kagagawan ng mga motorcycle riding-in-tandem.

Bukod sa palpak na serbisyo ng LTO, maaari aniyang i-report ang mga kaso ng krimen kung saan dawit ang mga motorsiklo.

Senador Dick Gordon:

We must put an end to these fraudulent acts. If we do nothing, the corruption in the government will not stop and the poor will remain deprived. If the killings will be unbridled, crimes will continue to terrorize our country”.

Meanne Corvera

Please follow and like us: